habang ako ay nagdadrive kanina ay biglang sumagi sa aking isip ang isang idea para mabawasan (or maeliminate entirely) ang pangongotong ng mga pulis and at the same time maiwasan din ang pagbabribe ng mga motorista sa mga pulis (guilty as charged) kung sila ay may nagawang violation sa kalsada: bakit hindi na lang natin tanggalin ang mga pulis sa kalsada para manghuli ng mga so-called violators at maginvest ang gobyerno sa mga camera na ikakabit sa mga main thoroughfare (yung tipong visible ung mga sasakyan na magvaviolate ng no swerving, no u-turn, no left turn, no right turn, public vehicles sa yellow lane lang, etc) tapos may sistema na marerecord ang plate # tapos mailalagay ung mga violations nung owner ng kotse na yun sa record nya tapos everytime na magrerenew ng license (dapat annual renewal) ay dun sya magbabayad ng violations nya o kaya tanggalin ang lisensya nya pag ang dami nyang violations. tapos ung video ng mga violations ipopost sa youtube hahahaha para dun na lang nya icheck ung mga violations nya hahaha natatawa ako sa idea kong to masyadong far fetched lolz. para naman may makabuluhang gawin ang mga pulis natin aside from taking and getting bribes. mababawasan din nito ang traffic ksi diba kapag pinatabi ka ng pulis e magcocause din ito ng traffic at hazard sya sa kalsada.
ano sa tingin nyong loophole sa idea na to? gaga ba ko?
lolz.
October 7, 2008 at 12:47 pm
Haha funny! Super active ng imagination mo even while driving.
Baka nakawin ang mga camera kahit sa main thoroughfare pa yan nakalagay. Baka pulis and traffic enforcers pa ang magnakaw kasi mawawalan sila ng dilihensya pag papalitan mo sila ng camera:D
On second thought, sanay na naman ang mga Pinoy na pinagnanakawan eh. So sige, pabor ako sa proposal mo:)
October 7, 2008 at 12:53 pm
hahaha natatawa talaga ako kanina habang nagtatype. para akong hibang. pero sana nga ganyan. ksi tingnan mo kikita ng husto ang gobyerno dyan, kasi mapipilitan talagang magbayad ng violation nya ang motorista pra lang marenew ang lisensya, pag madaming pera ang LTO, masaya! mababawasan ang corrupt! bwahahahah!
October 8, 2008 at 7:48 pm
That’s actually a good idea although not an original one since that’s how it is here sa States. There are cameras in busy intersections that can record violations. Pag nahuli ka, they send you a notice with a link to a picture showing your car w/ license plate visible and a bill to pay the ticket. You need to pay your ticket since every unpaid ticket shows up when you renew your license.
Ang loophole in implementing that in Manila is the amount of money it would take…
October 12, 2008 at 10:27 am
naalala ko yung kuwento ni french guy about sa kaibigan nya. isang gabi daw tinawagan sha ng kaibigan nya kasi naiinip na sa kaka tulog sa apartment Inaya daw shang mag- ikot2x sa Paris. Napunta daw sila dun sa parang highway na merong speed limit at may mga cameras (tulad ng sa idea mo). Siguro parang NLEX din. Eh loko2x daw yung kaibigan nya. Yung ginawa tinakpan daw yung plate number tapos pinaharurot daw dun sa highway yung sasakyan nya.
Aba malay mo yan din ang gawin sa pinas eh napaka talented pa naman ng mga pinoy hehe takpan na lang yung plaka ng sasakyan. At oo nga, baka ang ending eh nenenokin lang ang mga cameras na yan hehe
maiba lang ako…bakit nagta-tagalog tayo?
January 2, 2009 at 10:14 am
uy salamat sa mga pumatol sa post na to hahaha… pero since sabi nga ni leah (hi leah! congrats pala!) na existing na sya sa US, wish ko lang mangyari yan dito.
at ang delayed ng reaction ko no? aba, anong petsa na? 2009 na!