isang sabadong makabuluhan, oktubre 23, 2004. kami ay nagpunta sa lugar kung saan ididiwang ang aming napipintong kasal, TAGAYTAY, upang maghanap ng reception venue.

tying my shoe laces ready to go to tagaytay

isa munang pa-cute pose bago umalis

nakakapagod, ngunit sino ako upang magreklamo? umupo lang naman ako sa sasakyan ni Verna, ang aming designated driver (salamat salamat future sis in law) sa makabuluhang araw na iyon.

verna strikes a driver pose

our destination

umalis kami ng bahay pasado alas-onse ng umaga, natural lang na pag dating namin ng tagaytay ay magutom kami kaya kami ay huminto sa RSM restaurant (para itong 7-11 sa dami ng branches). napakaSARAP ng pagkain dito. at hindi namin ineexpect na napakaMAHAL din. pero ok lang, busog naman.

ang magkuya: Richard and Verna

Una naming dinaanan ang bahay ng florist ng Flowers of May dahil pinaparentahan din nya ang kanyang garden for wedding reception. Medyo maliit sya para sa 150 guests, sayang maganda pa naman. Baka ang bahay nalang nya ang rentahan namin for the preparation of bridal party. Sumunod na pinuntahan namin ay ang clubhouse ng Garden Hills (hindi ako sure sa pangalan basta tanda ko may “Garden”). Sabi ng security guard, wala pa daw clubhouse dun. Next on our list is Royale Tagaytay. Hanep naman ang clubhouse ng subdivision na to. Clubhouse na, golf course pa. Maganda ang function room nila, malaki, at reasonable ang wedding package. Gusto ko sana dito kaso ayaw ni Richard dahil enclosed sya. Kung mageenclosed venue din naman, e di magpakasal nalang sana kami sa Manila.

Matapos ang mangilan ngilan na possible reception venue na aming pinuntahan, dito namin lubos na nagustuhan: SOTOGRANDE CLUBHOUSE. wala pa masyadong bahay (actually, wala pa talagang bahay) pero napakaganda ng clubhouse. malinis at very spacious. tamang tama sa aming more or less 150 guests. Sa palagay ko ay lalo pang mapapaganda ito ng aming Event Stylist, Balay Kandila.

the swimming pool

the swimming pool from another view

the very spaceous covered area

sa wakas, natapos na ang VENUE HUNTING namin. kami ay nananalangin na sana ay hindi umulan sa araw ng aming kasal. hindi naman daw ulanin ang end of November kaya ok lang mag-outdoor wedding.

hanggang sa muli.

Advertisements