lintek na iced choco yan (with whipped cream). sayang na P110. ang sakit (sobra) ng tyan ko. nakakahiya waaaaaaaaaaaaaaaaa…. (gets mo? gets mo?)

nagkita kami ng aking long-lost friend na si Mers (Maryanne for long) kagabi sa Starbucks. Wala syang pinagbago maliban na lamang sa kanyang napaka-haba at wavy na buhok. hindi kami masyadong nagpahinga sa kakasalita dahil there’s so much to catch up with each other, mga balitang buntisan sa Goodwill2, mga balitang kasalan sa batch namin, etc.. etc.. naaalala ko nung bata pa kami, madalas sya sa bahay namin, papano, ayaw akong papasukin sa bahay nila ng katulong nila. magdudumi daw kasi ako. astig no. naalala ko din, magaling syang mag-drawing simula nung mga bata palang kmi. favorite nya idrawing nun ay si sailormoon. gifted child talga ito. hangang hanga ako sa talento. malamang nag-promil sya nung 1 yr old sya. kaya hindi ako magtataka kung isa na syang graphic artist ngayon. naaalala ko din na crush na crush nya si lou diamond philips. at hindi ko maintindihan hanggang ngayon kung baket.

Advertisements