malamang alam nyo na kung tungkol saan ang post ko ngayon (ang tagal ko na palang di nakakapag-blog). hindi po, hindi po tungkol sa bunso kong kapatid na lalaki. syempre pa, ano ba ang walang puknat na pinaguusapan ngayon kahit saan ka magpunta? nagtataka nga ako bakit hanggang ngayon sinasabi ng mga kapuso na mas mataas pa din ang rating ng Sugo. hehehe… o siya.. siya.. kung saan kayo masaya.

heniweys, ako ay isang self-proclaimed Pinoy Big Brother addict. opo. hindi lang po ako sa tv nanonood ng 3X update, primetime at Uplate, i even bought a viewing license so i can watch it via livefeed from the internet 24/7. USD40. opo, isa akong hunghang.

anyways, nalungkot ako sa pagkawala ni rico. although sya naman talaga ang gusto kong matanggal kesa kay raquel and franzen. sa tingin ko lang, unfair ang pagkakanominate nya dahil hindi naman mga housemates nya ang nagnominate sa kanya kung hindi si big brother. anyways, macho naman sya. im sure maraming magkakandarapang bakla sa kanya.

galit na galit ako kay JB and Say. sa tingin ko sila ang pinakaplastic sa lahat ng mga housemates. iba kasi pag yung edited version na from the primetime ang papanoorin mo lang. marami silang hindi pinakita na kaplastican ng dalawang to hehehe… tuwing binubuksan ko ang aking livefeed, pagmumukha ng dalawang ito ang palagi kong nakikita. leche, hindi ako nagbayad ng USD40 para marinig ang mga nonsense talks nyo. and stop speaking in english na if you can’t complete 1 full sentence. puro “i wash like.. you know… watchamacallit…”.

ang gusto ko talagang manalo ay si jayson. nakakatawa kasi sya e. tsaka maganda ang pakikitungo nya sa lahat ng mga housemates nya. kahit na inamin nyang silahis sya “dati”.

iniisip nga namin ng aking sis in law (verna) na gusto naming sumali sa season 2 hehehe… ang unique quality daw nya ay sya ang pinakamasayang tao na walang kaproble-problema. sa audition, tanging mga dahon lang ng saging ang kanyang isasaplot para mapansin sya kagad. hehehe…

Advertisements