galing ako kanina sa festival mall. mag-isa lang ako kasi lahat ng niyaya ko may lakad daw. lalo ko tuloy namiss si fafa richard. haaaaaaaay…. anyways, kailangan ko kasi ibigay ang mga invites sa isa naming ninong. medyo napagod ako sa kakahintay kasi medyo na-late sya (mga isang oras lang naman). so after namin magkita, nagutom ako. kung yung ibang mga babae, hindi nakakakain mag-isa sa isang restaurant or fastfood, ibahin nyo ko. cowboy ata to.

so dahil sa gutom ko, nagfood trip ako. bumili ako ng jolly double cheese fries sa jollibee “to go” kasi gusto ko pumunta pa sa henlin dahil nagcecrave ako sa siomai ng henlin. masarap talaga ang siomai ng henlin. there’s no comparing it to siomais of chowking or ng iba pang naglipana na chinese fastfood. at wala ding kapares ang kanilang chili. nagpapadagdag nga ako palagi e. kaya hayun. bumili ako ng siomai at iced tea sa henlin at nagenjoy habang sabay ko ding kinakain ang jolly doube cheese fries ko. sabay binasa ko ang isa sa binili kong ENTREPRENEUR magazine sa Filbar’s. 2 ang binili ko kasi sale. back issues kasi. buy one, take one. ayos.

yun lang. food trip lang.

nagcecrave ulit ako. parang gusto kong maggisa ng dalawang kutsarang taba ng talangka (o sa ingles, crabpaste). masarap to. nabibili lang to sa mga tiangge. hindi ko binibili yung pure kasi mas mahal tsaka mas mataas ang cholesterol. igisa nyo lang sa bawang at kamatis, voila! may ulam ka na! pwede din syang palaman sa skyflakes. or magic flakes. mas masarap ito sa kanin lalo na’t sasawsawan mo ng patis na may kalamansi. haaaaaay… o sya sya. gutom na ko!

Advertisements