allow me to be selfish for now — bumabagyo ngayon, madaming nasalanta, lumubog na barko, palayan na nasira, nastranded — pero heto ako ang saya saya. hehehe… he pano, summer is twice hotter for pregnant women. kaya simula nung nagumpisang umulan kahapon e tuwang tuwa pa ko. ang lamig lamig kasi.

there’s a downside to it though. ayaw akong palabasin ni richard. kahit na dyan lang sa may gate. lakas kasi ng hangin (kahit walang ganong ulan), baka daw kung mapano ako (awwwwwwwww…). dapat nga ako ang mamamalengke kanina kasama si inday kaso napagalitan pa ko. wag daw akong makulit. sya na lang daw pati ang maggogrocery magisa mamaya. so i guess i will be stuck here at home.

hmmm wat to do? wat to do? siguro manonood na lang ako ng LOST (season 1). mag-blog. catch up on my reading. eat dinuguan. eat banana. eat mango. eat siniguelas. sleep.

hay kay sarap ng sabadong umuulan. (no pun intended for those who were stranded).

Advertisements