naiinis ako sa mga mass goers sa festival mall. richard and i attend the afternoon mass there and there’s this very annoying habit na ginagawa ng mga nagsisimba dun. ung magrereserve sila ng seat for their companions who would only get there a few minutes before the mass would actually start. pano na lang ung mga mas maagang dumating sa kanila? personally kasi, i want to be seated as close to the altar pero ung mga tao dun, nakakainis. HINDI PO SINEHAN TO NA PWEDE KANG MAGRESERVE NG UPUAN!! minsan, gusto ko gumanti pero “thou shalt not do unto others what u don’t want others to do unto u”. may isang time kasi na naghiwalay kami ni richard and he has to go somewhere so nauna ako dun. i was tempted to reserve a seat for him already pero hindi ko ginawa. alam kong unfair un sa mga mas maagang dumating kesa kay richard. kahapon, hindi ko napigilan ang sarili ko. naghahanap kami ng seat ni richard and medyo madami ng tao dun. nagtataka ako ang dami ng nakatayo but i still see a few empty seats. apparently, they were reserved. leche yan. lumapit ako dun sa 2 empty seats and i politely asked kung may nakaupo. sabi meron daw (kahit wala naman — leche talaga). sabi ko “hindi naman ksi sinehan to na pwede kang magreserve e”. and i stormed out. nilapitan ko na lang ung mga namamahala dun and asked them baka pwedeng wag na nilang hayaang magreserve ng seats ung mga andun dahil madaming hindi nakakaupo. ewan ko kung anong gagawin nila coz sa sobrang inis ko, lumabas na lang kami.

i know i wasn’t supposed to do that lalo na when the mass is about to start. but i couldn’t help it. those kind of people really annoy me.

Advertisements