got up at around 530am today, took a bath, kissed richard goodbye and left (without even eating breakfast) to start what seemed to be a very busy morning. i’m off to SSS Binan to apply for an SSS ID (i still don’t have that plastic!). thinking that i am too early for 8am, i was surprised to see more than 100 people already lining up! my gawd! obviously, mas marami pa palang mas maaga sakin dun! some even lined up there as early as 3am (ano HILO?!). ang badtrip dito, 730am lang magstart magdistribute ng E6 forms ang SSS (so mas kawawa sakin ung mga 3am pa andun!) tapos first 100 applicants lang ang iaaccomodate nila. grrrrrrrrrrr…… at syempre, hindi ako umabot sa first 100! bakit ba ganun pag gobyerno! walang kasiste-sistema! sana man lang, ung mga dumating dun at pumila din ng maaga na hindi umabot sa quota e bigyan na lang din nila ng form tapos tatakan nila ng date kung kelan pwede bumalik para di na kailangang luminya ng pagka-aga aga! at syempre, bakit hindi ko naisip mag-download na lang ng E6 form sa internet? bakeeet??? bakeeet????? (tagoink!).

after that, syempre nagutom ang lola nyo, kumain muna ako ng big breakfast sa mcdo. tsaka umorder din ako ng 2pc pancakes. masaya na naman ang baby ko.

pagkatapos, pumunta ako sa security bank kasi magbabayad dapat ako ng cable. tagal tagal ko naghintay bago magopen ang bank. aba, pasado alas-nuebe na e di pa nagbubukas! maawa kayo sa buntis! at pagkapasok ko, tinanong ko ang guard kung asan ang form na fifill-up-an for bills payment. binigyan nya ko ng envelope. di man lang nya sinabi na sa atm machine babayaran yun. naghintay pa tuloy ako sa wala. e medyo badtrip na ko nun, tapos pag labas ko may pila sa atm, ayoko na, di na ko tumuloy magbayad. tampo na ko.

pagkatapos, pumunta ako sa LTO Binan. para sana itanong muna ang status ng missing in action ko na lisensya. cinonfiscate kasi ng linsyak na pncc ng sta rosa (mga 3 yrs ago) e wala naman akong violation! nakabangga lang ako pero wala akong violation!!!! so 3 taon na ang nakakaraan at di ko na sya binawi sa pncc pero ngayon kasi, kailangan ko ng lisensya, pandagdag ID at syempre kung sakaling makapag-drive ako ulit. nilapitan ko yung mamang mataba na mukhang fixer. tinulungan nya ko kumuha ng affidavit of loss (worth P100 — at syempre LOST license ang idedeclare ko hehehe) tapos sya na bahala pumunta sa LTO QC para makakuha ako ng certificate of clearance (hoping na hindi tinurn over ng linsyak na pncc ang license ko sa main ofc at hindi nabahiran ng violation ang lisensya ko). so sbi ko sa kanya, wala akong tiwala sa kanya (mwehehehehe) kaya kung pwede sana e pag nakuha ko na ang certificate of clearance e dun ko lang sya bayaran ng fixer’s fee (mweeehehehe). pumayag naman sya (mwehehehhe).

pagkatapos, pumunta ako sa Pavillion Mall para bumili ng DVD at CD. yung mga babaeng matanda sa harap ng pila e mga pasaway! balak pa atang isa-isahin ang lahat ng optical mouse dun! nagtataka ako, bat nyo pa pinapabuksan! malalaman nyong sira yan hindi sa pagpipipindot pindot nyan, kundi pag sinaksak nyo na sa mga linsyak nyong computer! mga leche! nakaka-downtime tuloy kayo! grrrrrrrrrr….. pagkatapos kong bumili e nagpunta ako sa mr. quickie at pina-duplicate ko ang mga susi ng aming main door. pagkatapos, bumili ako ng 1month supply of my pre-natal vitamins sa mercury drug.

pagkatapos (di pa ko tapos pero malapit na) e pumunta pa ko sa Equitable PCI bank para magbayad ng aming bahay (sa Nat’l Home Mortgage) at sa Philhealth. pagkatapos nun, pagod na pagod na ko. umuwi na ko. nagawa ko ito lahat before lunch.

pagkatapos pala, masaya ako at nabalitaan kong nanalo ang aking BET na si Taylor Hicks sa American Idol! woohooooo!

Advertisements