to celebrate our 1st year anniversary (civil wedding), we decided to go to Villa Escudero last Saturday, May 27. we left the house around 830am and commuted our way to Alabang where we will board an airconditioned bus bound to Lucena. here’s some highlights:

– it was a 2hr trip from alabang to Villa Escudero. The bus will drop you off sa tapat mismo ng resort.

– from the entrance, since we are only commuting, we need to ride a tricycle going to the resort proper.

– free welcome drinks! we had sago’t gulaman. last time i went there (which was 1994) we had fresh buko juice. nagtitipid na ata sila.

– day tour costs P995 during weekends. this includes museum tour, kalabaw ride, buffet lunch at the man-made river, access to swimming pool, cultural show, and rafting.

– museum tour triggered my allergies (i have allergic rhinitis). mga lumang santo, several image of Jesus Christ, preserved animals, filipiniana costumes, large vases, very old coins, and relics. in other words, lahat ng maalikabok. hehehe…

– lunch at the man-made river/falls was sulit! pansit, inihaw na liempo, manggang hilaw, singkamas, bagoong, inihaw na tilapia, inihaw na manok, kaldereta, mixed veggies… haaaay sarap! kakaibang experience sa pagkain dito. kailangan, naka-tsinelas ka lang or naka-paa ksi ang lalakaran mo e tubig na hanggang kalahati ng lower leg mo. better kung nakashorts ka na para di na kailangang itaas ang pantalon. ang medyo badtrip lang dun e ang mga langaw (at bangaw!).

– kung ikaw ay magsuswimming, meron naman silang mga locker (for a fee of P50) kung saan mo pwede ilagay ang mga gamit mo.

– masarap magrafting. dati e may kasama pa kaming taga-sagwan. ngayon, pinaliit na nila yung raft para 2 na lang ang makasakay dun at kayo mismo ang magsasagwan. hindi naman delikado (unless tatanga tanga ka hehehe) dahil may suot ka namang life vest. nakakapagod magsagwan pero masarap. pwede kang mag-fishing habang nagrarafting. goodluck na lang kung may mahuli kang isda.

– meron ding cultural show tuwing 2pm kada weekends. kaso di kami nakanood kasi ayaw ni richard. it will just bring back memories daw from his childhood. si richard ksi, kung di nyo naitatanong, e dating folk dancer sa school nila. mwehehehe….

– meron din pala silang mga official photographer. d mo namamalayan kinukuhaan ka na pala habang papasok ka ng entrance, sa carabao cart, habang kumakain, nagsuswimming, nagrarafting… tapos, ipapaskil nila ang mga pictures (na merong nakaprint na “we’ve been to villa escudero) sa may entrance para pag labas mo e kung gusto mong kunin ang picture mo, pwede mo syang bilhin for P100. ang mahal no? syempre kami binili namin yung pic namin. hehehe…

– kung gusto mong magsyesta syesta, pwede ka tumambay sa ilalim ng mga coconut trees. pwede kayong maglaro dun ng volleyball, taguan, badminton, patintero. bahala kayo. sayang nga at kulang lang sila ng mga duyan. ayos na sana.

– umuwi kami ng mga 5pm. mahirap ang pag-uwi lalo na kung commute lang kayo. madalang kasi ang aircon bus na alabang. so nag-ordinary lang kami na bus. na WAG NA WAG ninyong gagawin. lalo na sa san pablo na pagka-traffic traffic! mga 4 hrs kami bumyahe pauwi! buti sana kung aircon dba, at nakatulog sana kami ng mahimbing! sana pala pinatos na lang namin yung mga LRT/BUENDIA na aircon bus… haaaayyyy….

– kahit na medyo badtrip ang paguwi namin e masaya naman ang buong araw. buti na lang at hindi kami napikon ni richard sa isa’t isa (kahit sino e iinit ang ulo pag 4 na oras kang natraffic no!). hehehe….

haaaaay masayang isang taon…..

heto ang mga ebidensya ng masayang araw na iyon….

Advertisements