these are the reasons why i never ever bother watching pinoy action films. read on…

Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti. Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag- anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno).

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang istambay.

Magkakaroon ng rambulan ang bida at mga tambay tatagal ito ng mga 5 minuto na walang nadaramang pagod ang bida habang 4 hanggang 10 tambay ay nakabulagta pagkatapos.

Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).

Madalas na kontrabida ay ang mga sumusunod:

Senador, Governor, Congressman, Haciendero, Mayor at mga anak at inaanak na ubod ng yabang tapos madededots kya magagalit ang mga pulitiko at magdedeklara ng all-out war sa bida.

Papalusubin ang 100 tauhan laban sa ng iisang kalaban.

Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida. Lagi itong may mga uto-utong tauhan o “mga bata”. Madalas me bigote dapat para mas mukhang sanggano ang dating. At laging naka-jacket kahit tanghaling tapat.

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay. Lagi ding may eksena sa isang beer house. Madalas suntukan ang scene dito kung saan magbabasagan ng bote sa ulo ( at laging bote ng San Miguel Pale Pilsen ang gamit ), maghahampasan ng upuan na marupok, magbabalibagan sa mga mesang marupok din, ihahagis ang bida o kontrabida sa mga salamin sabay slow motion.

May seksing leading lady at may love scene na pwedeng ikwento sa Abante.

Siyempre di mawawala ang sidekick na puro patawa lang ang alam. (berting, dennis, amay, dencio). Galit na nga ang mga bisaya dahil puro sidekick lang ang role nila at hindi kailan man sila naging bida.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin

Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril … mahabang pag-uusap napakahaba mgbabanggit ang kontrabida ng “magtago ka man sa pinanggalingan mo, babangon ako at dudurugin kta” grrrrrr… sasagot naman ang bida ng “marami kang satsat tapusin na natin to.” sabay babanat tila baga mag-syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan. Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan. Kahit ano sumasabog pag binaril. Pati puno, sumasabog.

Sa habulan ng sasakyan, kung mapapansin ninyo luma lagi ang gamit nilang auto. Tapos pinapasabog ito ng slow motion at inuulit ng apat na beses sa iba ibang angle.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala. Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

Hindi ito nauubos kahit na 100 pa ang kalaban madalas cal .45 lang yun.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.

Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya. Laging sa lupa tumatama ang bala ng kaaway.

Pag nagtago ang bida madali itong nasusundan dahil sa mga contact ng mga pulitiko.

Tumatalon sa matataas na building na kadalasan sa truck ng basura bumabagsak kasama ang leading lady mag aaway silang parang aso’t pusa dahil mabaho ang binagsakan nila. sa falls na ubod ng taas (slow motion at 4 na ulit), sa kotse at hindi nababalian. Sumisisid ng matagal hindi nalulunod.

Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang … hindi pwedeng sa ulo o sa puso.

Madalas sa braso lang ang tama nya ginagamitan ng panyo o pinunit na dulo ng saya ng bidang babae.

Siyam (9) ang buhay ng bida. Minsan 10 pa nga eh.

Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.

Huli darating ang maraming pulis kasama ang mga kamaganak, kapitbahay, kapuso at kapamilya ng bida… at wala silang pakialam sa bida parang walang nangyari parang hindi siya nakapatay ng 100 kalaban na kung tutuusin eh panghabang buhay na pagkakakulong ang katapat nito, kahit na involved ito sa riot.

Advertisements