Baby Gabby is exactly 1 week old today! 7 days and so many breastfeeding sessions later, we are slowly getting the hang of spending sleepless nights together (as in sleepless, walang biro), fighting over my cracked and sometimes engorged nipples (the dialogue would go something like this: baby naman e! wag mo namang kagatin!), daily intake of multivitamins, calcium supplements and malunggay pills, etcetera… etcetera… haaaaaaaaayyyy… motherhood…

So how have i been? The night we went home from the hospital, i had a hard time sitting or even walking. This is due to my still fresh hemorrhoids (ewwwwwwww). Ang sabi naman ng OB ko e sitz bath lang ang katapat nyan (sit in just enough hot water to cover the affected area for 20-30mins, 2 or 3 times daily). Tapos, pinagpakulo ko din si Inday ng bayabas leaves tapos nilagay ko sya sa pang-spray tapos yun ang ginagamit kong pang-wash ng stitches ko and hemorrhoids imbes na feminine wash. Effective pala talaga ang bayabas. Mas mabilis sya talaga makapag-heal ng sugat. Nilagay ko sya sa spray to avoid contact din sa hands ko para mas mabilis ang healing. In 5 days time, ok na ko. No more hapdi!

As to how much weight i lost, i don’t really know. Basta syempre malaking nawala sa tyan ko hehehe…. but i still look like mga 4-5 months pregnant. I still have a big tummy (hindi pa siguro nakaka-pag-adjust sa normal size ang uterus ko). So i am still wearing some of my maternity pants and loose shirts… hehehe… oks lang naman….. tapos, yung linea negra ko di pa natatanggal… i wonder kung gano katagal yun sa tyan ko…. tapos, the bloody discharge is slowly decreasing…. my appetite is back to normal… pero since i’m breastfeeding, i take small frequent meals coz i need to add more calories to my diet.

Si Gabby naman, lumalakas ang demand ng milk sa akin! Before, she will wake up at night every 3 hrs para magpafeed. Now, every hour na! Tapos every session would take us 30minutes long! Minsan, nakakatulugan ko na ang pagbebreastfeed (LOL). Kaso, im worried that she hasn’t pooped yet since day 2. Ang sabi nila, since i am exclusively breastfeeding, baka daw naaabsorb ng katawan ni baby lahat ng milk ko kaya walang nilalabas. But ofcourse, we should confirm this with our baby’s pedia to ease our minds din. She’s also medyo yellowish after day 2 pero medyo nagsubside na. We should just always take her out in the morning before 8am para makakuha ng sunlight.

Breastfeeding the first week has been somewhat frustrating for me though. Nung first few days kasi, i feel na i don’t have enough milk yet. Hindi pa ako nagli-leak. When i pump, i get nothing. What made it more frustrating is my mom. Since sa generation nila nagboom ang formula feeding, hindi sila gaanong educated about breastfeeding. They know little about it. Akala niya ginugutom ko si baby kasi wala naman daw nakukuha si baby sakin. There was this one time na madaling araw, around 2am siguro, pumasok sya sa room namin kasi naririnig nya si baby na umiiyak. Doon nya ko sinermonan na parang i-give up ko na ang ambisyon kong magbreastfeed all the way dahil wala talagang nakukuha sakin. Umiiyak lang daw. Sa sobrang inis ko nun, umiyak na rin ako kasi nakakataranta e. Tapos, pumunta pa sya sa bahay ng sis ko (sa kabilang bahay lang naman) at sinumbong ako. Since madaming milk ang sis ko, gusto nya dun ipa-breastfeed na lang si baby (which i think is not a good idea dahil baka masanay sa ibang milk ang baby ko). Dapat kasi, pag magbebreastfeed ka, kasama ang buong pamilya or kasambahay sa suporta, else, mawawalan ka ng gana. You will most likely give in to what they want. Buti na lang, di ako masunuring anak LOL. Hindi ako nakinig sa mommy ko. Coz i know this is when mommy don’t know best. Pero fortunately, pagkaraan ng ilang araw, nakikita nya ang determination ko to really purely breastfeed, she sees my patience in pumping every 2 or 3 hrs, nakita nya rin how i never complain Gabby’s hourly demands kahit na madaling araw, nakikita nya na i would do everything possible para lang maincrease ang milk supply ko, so ngayon, todo support na sya sakin. Bati na ulit kami LOL.

Motherhood…. ain’t it exciting?

Advertisements