Had Ken Dingle not have gotten the boot last Monday, i’m telling you this show is going down down down the drain. Lima na lang silang natitira. Tatlong magagaling (Mau, Pow, Gian although i don’t like Gian’s theatrical style that much but he’s the better one among the guy finalists) at dalawang mayayaman. At nakikinita kinita ko pa na malamang lamang kung magpatuloy ang paghakot ng mga celfon load ng family and friends ng mayayaman na to, we unfortunately, might have a Jan-Miguel showdown. Nyak! The problem with the show is that it doesn’t have a large following as compared to PDA. Sa palagay ko, kung ABS-CBN ang nakabili ng franchise ng show na to, we would have a better set of top 12. Kaya dun sa kakapiranggot na audience ng ABC 5 e mas mananaig pa din ang boto ng mga kapamilya ng mayayamang contestants. Yung totoong fans kasi, they can only vote so much, yung tamang hanggang sampung boto bawat idol nila. Aba P2.50/text yun no. Pero iba ang kapamilya. Kahit na pumipiyok piyok ang kaanak nila, syempre susuportahan nila yan all the way. Kaya nga ang this kind of voting scheme will never work in the Philippines. Kung ginawa nilang libre ang landline voting, malamang hindi pa rin natatanggal ang talagang mga “deserving” contestants (like Apple Chiu).

Anyways, i’m rooting for Mau because she obviously got the best vocals. Pero ok lang sa kin kung si Pow ang manalo. I like the quality of her voice. Sobrang pino.

Pero whatsup naman magcomment si Mamita. Puro nonsense. At sana wag na pabalikin si FM. Puro lang naman “you were great” ang alam nyang sabihin kahit na ang pangit ng performance. Sana maging judge next season sila DJ Mo, Hajji Alejandro at si Mr. C pa din.

Advertisements